Tuesday, March 22, 2022

 



 Hi ako po si xyrah ngayon ay magkwekwento ako kung ano ang gusto ko sa buhay ko. May marami akong gusto sa buhay ko pagkalaki at ang gusto kong trabaho ay maging doctor, Flight Attendant, Business Woman at Model


Gusto ko maging doctor kasi noong bata ako ay gusto ko talagang tumulong sa kapwa tao, kung may mangyayaring masama sa kalusugan nila at nakikita ko sa ibang doctor na kailangan talaga natin ng doctor sa bansa kasi kung wala sila ay walang mag aalaga sa kalusugan natin. Gusto ko naman maging Flight Attendant kasi parang ang lang nilang tignan makikipag-usap sa ibang tao na nakasakay sa eroplano at ako ang isang tao na gusto makikipag-usap ng mga tao at gusto ang kanailang mga ginagawa. Gusto ko naman maging Business Woman kasi gusto ko na na sakin galing ang isang business at gusto ko din masubukan kung ano ang pakiramdam magiging matagumpay o gusto kung ma try kung paano nila makawa ang pagkahirap, at noong bata ako o ngayon din ay nagtitinda din ako ng mga pagkain katulad ng mga munchkin o ice candy, gusto ko talagang magkaroon ng aking business.Ito ang pinaka gusto ko din at ito ang pagiging model, kasi gusto kong makita ng buong mundo na kaya din ng mga taga cebu o taga pilipinas ang kaya sa ibang tao sa buong bansa at gusto kung maipakita sa buong tao kung gaano kaganda ang mga cebuana o cebuano, gusto ko maging model kasi gusto ko din ang mga ginagawa nila at alam kung gaano ito kahirap pero gusto kong malampasan kung gaano ito kahirap ako kasi yung isang tao na gustong pumasok ng pagsubok sa buhay. 


So ngayon ay ang ating mga pangarap ay talagang makukuha natin kung atin itong paghihirapan, kaya isa lang ang masasabi ko sa inyo kailangan natin paghihirapan kung ano ang gusto natin sa buhay natin mapa gamit man o mapa pangarap kaya wag tayo dapat mawalan ng pagasa sa buhay, in english pa keep on going, kaya laging tandaan na dapat nating paghihirapan ang mga pangarap.


No comments:

Post a Comment

Act Family Day

  "Act Family Day 2023" Family Day is one of the most enjoyable and memorable programs I've ever tried, and it leaves me with ...