SARILING SALOOBIN
Si Don Juan ay may mahirap na pinagdadaan na mga problema, isa na doon kung paano nya nakuha ang ibong adarna at ang pag dala ng mga masasama na commento ng kanyang mga kapatid.
Si Don Juan ay isang matatawag natin na Ideal Man, Kasi na sa kanya na ang lahat ang pagiging matapang, mabait, gwapo, masunurin, at kayang gawin ang lahat na gawain na mapapawow kana lang. Ang damdamin ko para kay Don Juan ay natutunaw sa ka baitan na kanyang ginawa at napapatanong ng, meron pa bang ganitong lalaki katulad ni Don Juan?, Si Don Juan e kahit ano pa ang pinaplano ng kaniyang mga kapatid ay marunong pa din siya mag patawad ng kanilang mga ginagawa kay Don Juan.
Ako din may mga pagsubok din akong naranasan pero hindi lang naman ako at tayo ding lahat. Ang mga naranasan ko ay may katulad din kang Don Juan, na may mga tao na hindi na tayo pinagkatiwalaan at may mga tao na may mga sinasabing madudumi na commento sa mga ginawa mo, o palaging nadyan para manghusga sa iyo na hindi nila alam na nakakapatay na pala sila ng tao dahil lang sa kanilang mga sinasabi.
Kaya madami akong natutunan galing kay Don Juan. Tulad ng paggawa ng mga nakaksaya sa iyo, at ang pagiging matapang kahit ano ang mangyari, hindi mawawala ang pagiging masunurin sa ating mga magulang, hindi lang sa magulang kundi sa mga tao na may inutos o kung ano pa.
Kaya tayo mga kabataan kung ano man ang mga masasamang commento na pinagbigay sayo ng mga tao ay wag mong hayaan masaktan ang iyong sarili wag kang magpauto sa mga commento nila. At wag kalimutan na ang pagiging mabuti na hindi na alam kung ano ang gawin kapag may nangapi, ay wag niyo po silang hayaan na saktan ikaw, kasi sa dulo ay ikaw parin ang kawawa. Minsan kailangan mo ding malaman kung paano mo ma tulungan ang iyong sarili kung may mga pangyayari na katulad nito.
By: Xyrah Gail M. Abella